Monday , December 23 2024

Ulo ng kelot durog sa dos por dos (Nakipag-agawan sa mic)

NADUROG ang ulo ng 26-anyos lalaki matapos pagtulungan hatawin ng dos por dos ng tatlong hindi nakilalang suspek makaraan makipag-agawan sa mikropono sa videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Bryan Timpug, ng Block 8A, Lot 16, Phase 2, Hito St., Brgy. Longos, Malabon City.

Batay sa ulat ni SPO1 Joselito Barredo, dakong 1:30 a.m. nang maganap ang insidente sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14 ng nasabing lungsod.

Nauna rito, nakikipag-inoman ang biktima sa Grajo Resto Bar sa nasabing lugar hanggang marinig na nakikipagtalo siya sa isa sa mga suspek bunsod ng pag-aagawan sa mikropono.

Ang dalawa ay nagpapasikat sa pagkanta sa magandang waitress na kapwa nila pinopormahan. Ngunit agad din napayapa ang kaguluhan.

Pagkaraan ay lumabas ang biktima upang sunduin ang isa pa niyang kasama. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng mga suspek at pinagtulungan siyang hatawin ng dos por dos na nagresulta sa kanyang kamatayan.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *