Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsyota pinilit magtalik ng armado (Bebot ginahasa rin ng suspek)

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng magkasintahang sinasabing pinilit na magtalik ng armadong lalaki sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan noong Linggo ng tanghali.

Inihayag ni San Jose Del Monte Police Chief Supt. Joel Estaris, pinaghahanap na ang suspek na inilarawan ng mga biktima.

Ngunit duda ang mga awtoridad sa 21-anyos lalaking sinasabing pinilit ng armado na ma-kipagtalik sa kanyang 17-anyos kasintahan.

“May baril nga, pero mara-ming pagkakataon na pwede siyang tumakas, at humingi ng tulong, sumi-gaw, o i-save ang sarili niya, pero walang ganoon,” aniya.

Sa kabilang dako, inihayag ng lalaking biktima na nagkukwentohan lamang sila ng kanyang kasintahan at isa pa nilang kaibigan sa ilalim ng puno ng Sampaloc noong Linggo ng tanghali nang dumating ang armadong lalaki.

“Biglang may sumulpot na lalaki, tinutukan na kami ng baril. Tapos ayon, pinapunta na kami sa may kawayan, tapos pinagtalik,” kwento ng 21-anyos lalaking biktima. “Sabi ko, hindi ko po kaya. Sabi niya, ituloy kasi puputok ang baril.”

Ayon sa kanya, sapilitan si-yang nakipagtalik sa kanyang 17-anyos kasintahan, at kalaunan ay pinagsamantalahan din ng suspek ang babaeng biktima.

Pagkaraan ay tumakas aniya ang suspek tangay ang bike, cellphone at pera ng magkasintahan.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …