Saturday , November 16 2024

Lifestyle check sa lumapastangan sa kalikasan, smugglers

RAMDAM ang sinseridad ng anti-corruption drive ni Pangulong Aquino nang simulan ng kanyang administrasyon ang pagbubunyag at paghahain ng mga kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno na hinihinalang nagnakaw sa kaban ng bayan.

Panahon na sigurong ipatupad din ni PNoy ang kampanyang ito sa mga nagpapayaman sa paglapastangan kay Mother Nature. Masahol pa ito sa pagnanakaw sa pera ng taumbayan dahil ang walang pakundangang pananalbahe sa kalikasan ay unti-unting pumapatay sa ating pag-iral bilang tao.

Isang classic example ang ilegal at lantarang pagsasamantala sa mineral resources sa Zambales na naiulat kamakailan sa mga pahayagan at telebisyon.

Ayon sa mga source sa probinsiya, ilan sa mga karakter na sangkot sa ilegal na pagmimina sa Botolan at Masinloc ang sila mismong ‘utak’ sa likod ng pagpupuslit sa bansa ng matataas ang halaga na kargamento gaya ng bunker fuel at mga power generator na idinaraan sa Masinloc Bay.

Habang hindi dapat na magsayang ng panahon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa pag-iimbestiga sa mga reklamo ng mga taga-Zambales, dapat namang isailalim ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lifestyle check ang mga pasaway upang makumpirma kung ang lehitimo nilang kinikita ay sumasakto sa yamang kanilang tinatamasa. Kung titimbangin sila at matutuklasang mabigat sa ginto, dapat silang papanagutin.

Dapat din pakabusisiin ni BIR Commissioner Kim Henares sa ilalim ng microscope ang mga book of accounts ng ilang kompanya na nagmimina sa probinsiya, gaya ng Blue Max, na nagmimina ng black sand sa Botolan, at Fahrenheit, na coal ash naman ang hinahakot sa Masinloc.

Isang negosyante na tinatawag na “Marfori” ang napaulat na sumisigurong walang magiging problema sa pamahalaang lokal ang operasyon ng pagmimina at smuggling sa pamamagitan ng pakikipagtransaksiyon sa isang Domeng M., isang opisyal ng probinsya na sinasabing nagpoprotekta sa kanila.

Isang incumbent na opisyal ng Botolan na tinatawag ng sources na “B Man” (ang Best Man para makipagtransaksiyon?) na may construction contracting business ang kumikita umano sa operasyon ng black sand at coal ash.

Isa dating opisyal ng Masinloc na tinatawag ng sources na “Big J” ang umano’y sangkot sa smuggling at ilegal na pagmimina.

***

Kuwento ng ilang residente, kung makikita lang ni DENR Secretary Ramon Paje kung paanong ginagawa ang black sand mining sa pampang ng Barangay Porac, Botolan, at kung paanong hinahakot ang coal ash sa mga burol ng Masinloc, hindi siya magdadalawang-isip na suspendihin ang P1-bilyon-kada-taon operasyon.

Nito lang nakaraang linggo, nag-level up na ang mga operasyon ng black sand mining; hindi na lang basta barge type ang ginagamit kundi naglalakihang barko na nagkakarga ng minerals na sinaid mula sa kailaliman ng pampang, sa mismong bunganga ng ilog.

Samantala, dapat imbestigahan nina Bureau of Customs Commissioner John Philip Sevilla at Coast Guard chief, Vice Admiral Rodolfo Isorena, ang modus operandi ng mga sindikatong nagpupuslit ng high-value items sa mga daungan ng Masinloc at Subic.

Style ng sindikato ang palusutin ang kargamento bilang pang-export na chromite na tinanggihan ng China at ibinalik sa pinanggalingan. Sa kalagitnaan ng dagat, inihahagis sa dagat ang laman nito at pinapalitan ng smuggled items.

Kapareho lang nito ang paraan ng smuggling ng bunker fuel. Dahil kapos tayo sa espasyo, sa susunod na lang ito tatalakayin ng kolum na ito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *