NAIS bigyan ng hazard pay ng isang mambabatas ang lahat ng mga hukom sa bansa dahil na rin sa peligrosong katungkulan na kanilang ginagampanan.
“The nature of work of RTC judges exposes them to risks and perils to life considering that they handle heinous crimes, syndicated crimes and drug cases,” sambit ni Rep. Edcel Lagman.
Nakasaad sa House Bill 4024 ni Rep. Lagman, 25 porsyento ng monthly basic pay ng mga hukom ang maaaring ibigay na hazard pay sa kanila.
Lumalabas sa datos, pumalo na sa 22 huwes ang napapatay simula pa noong 1991 hanggang 2012, o dalawang judge kada taon.
“These judges also run the risk of being at the receiving end of disgruntled litigants’ ire and, instead of exhausting their legal remedies, opt to put the law in their hands,” paliwanag ng mambabatas.
Sambit ng opisyal, minsan nang nakipag-usap ang Philippine Judges Association sa mga insurance company para sa kanilang accident at life insurance ngunit ipinataw sa kanila ang “prohibitive premiums” dahil itinuturing na “high risk” ang kanilang propesyon.
(JETHRO SINOCRUZ)