Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abesamis pinaiimbestigahan sa PNP ang pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan

HINILING ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Atty. Edmund Abesamis sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbes-tigasyon upang matukoy ang motibo at ang pag-kakakilanlan ng mga salarin sa pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan City noong Martes ng umaga.

Kasabay nito, nakiramay din si Abesamis sa pamilya ng napaslang na si Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos ng Brgy. 183, Amparo ng naturang lungsod at naninirahan din sa nasabing lugar.

Ayon pa sa Presidente ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, nararapat lamang na bigyan ng pansin ng PNP ang ginawang pagpatay kay Ramirez dahil hindi ito ang unang pagpatay o pananakit sa opisyal ng barangay sa Caloocan City .

“Ang mga opisyal ng barangay ang unang tinatakbuhan ng ating mga kababayan kapag sila ay may problema sa kanilang lugar kaya’t dapat lamang bigyan ng pansin ng PNP ang ginawang pagpatay kay Chairman Ramirez upang hindi na ito masundan pa”, ani Abesamis.

Matatandaan na naganap ang pagpatay kay Ramirez noong Martes dakong 7:45 ng umaga sa harapan ng Amparo Hardware and Construction Supply na matatagpuan sa Gate 2, Amparo Subdivision, Quirino Highway.

Sa pinakahuling ulat ng pulisya, kasalukuyang nakatayo ang biktima sa harapan ng naturang hardware nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang kalalakihan na sakay ng motorsiklo.

Pagkakita ng mga suspek sa biktima ay agad na binunot ng nakaangkas sa motorsiklo ang dalang baril saka pinagbabaril si Ramirez hanggang bawian ng buhay at mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Matatandaan na bukod kay Ramirez ay naunang napatay si Chairman Alejandro Bonifacio ng Barangay 163 na pinagbabaril din ng riding-in-tandem sa Baesa, Caloocan City noong Marso 2 ng kasalukuyang taon.

Noong nakalipas namang Sabado (March 22) pinagbabaril din si Kagawad Luisito Banzon, 37 anyos, ng Brgy. 187, Tala ng suspek na nakamotorsiklo habang nagbababa ng bigas mula sa sasakyan na naging dahilan kaya’t hanggang nga-yon ay inoobserbahan pa sa Jose Rodriguez Hospital .

Dahil sa sunod-sunod na pananakit at pagpatay sa mga opisyal ng barangay sa Caloocan City, nakiusap si Abesamis sa PNP na higpitan pa ang pagpapatupad ng  checkpoint sa mga kritikal na lugar upang agad maaresto ang riding-in-tandem na naghahasik ng lagim sa buong lungsod. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …