Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.3-M ecstacy nakompiska sa Bombay na La Salista

ARESTADO ng mga awtoridad ang estudyante ng De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila, sa isinagawang buy-bust operation  sa Malate, iniulat kahapon

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Prahbijot Gill (y Singh), Indian national, 18-anyos, residente ng 462 Antipolo St., Sampaloc.

Dakong 2:00 p.m. nagsagawa ng buy-bust ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  Manila Police District Station 9 sa 1509 East Tower, One Archers Place sa Taft Avenue,  kadikit ng DLSU campus.

Sa naturang operasyon, nakompiska  sa suspek ng mga nagpanggap na buyer, ang 223 piraso ng ecstacy na tinatayang nagkakahalaga ng P334,550.

Sa imbestigasyon, ang suspek ay tinukoy na supplier umano ng illegal drugs sa Metro Manila at Region 3, karamihan sa kanyang mga parokyano ay mayayamang estudyante.

Ang suspek ay sasailalim sa inquest proceedings  sa  paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, isang  non-bailable offense.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …