Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dentista hinoldap ng ‘kostumer’

HALOS masimot ang mahahalagang personal na gamit  ng isang dentista, nang looban ng isang nagpanggap na pasyente sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni MPD-Station 4 commander Supt. Samuel B. Pabonito,  ang biktimang si Dra. Dulce Otamias, 45, ng G. Tuazon St., Sampaloc.

Sa salaysay ng doktora, dakong 2:26 p.m. nang pumasok ang  suspek sa kanyang klinika, na inilarawang may taas na 5’8, katamtaman ang laki ng katawan,  maitim,  may kulay ang buhok, nakasuot ng asul na pantalon at rubber shoes, na inakala niyang kostumer.

Matapos hanapin ng suspek ang mga anak ng doktora, ay nagdeklara ng holdap at sinamsam ang mga personal na gamit ng biktima saka mabilis tumakas ang suspek gamit ang ‘di naplakahang motorsiklo

Kabilang sa mga natangay ang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P20,000, 3 laptop (P105,000), Toshiba camera (P60,000), Cannon camera (P40,000), Samsung cellphone (P10,000), Samsung Galaxy cellphone (P30,000), graduation ring (P10,000) at P5,000 cash. (l. basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …