Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 PUP ROTC officer sibak

SINIBAK sa puwesto ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang dalawang Reserved Officers’ Training Course (ROTC) cadet officers dahil sa reklamong hazing.

Matatandaang noong Pebrero, lumutang ang isang estudyanteng itinago sa pangalang “Sheena,” 18, first year student  ng Institute of Technology, upang humingi ng hustisya dahil sa naranasang parusa sa hindi niya pagsipot sa briefing night ng mga aplikante para sa Cadet Officers Candidate Course (COCC) ng unibersidad.

Kinatigan ni Vice President for Student Services Dr. Juan Birion ang rekomendasyon ng Student Disciplinary Board (SDB) na i-dismiss sina Daniel Tuico at Liezl Ariston, nang mapatunayang guilty sa hazing.

Batay sa Notice of Decision, matibay na ebidensya ni “Sheena” dahil sa medico-legal certificate at litrato ng kanyang mga pasa, pero panay ang tanggi ng dalawang akusado sa akusasyon.

Gayunman, nakasaad sa opisyal na pahayag ng PUP na inilabas nitong Lunes, may 10 araw pa sina Tuico at Ariston para iapela ang kaso kay PUP President Dr. Emanuel de Guzman.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …