Monday , December 23 2024

4-anyos hostage patay sa tiyuhin (Hostage-taker patay din)

Dead on Arrival sa pinagdalhang pagamutan ang 4-anyos paslit, makaraang i-hostage ng kanyang sariling tiyuhin na umano’y sinumpong ng sakit sa pag-iisip.

Limang tama ng balisong ang kumitil sa buhay ng paslit na kinilalang si Dennis Sibaluca, Jr., 4-anyos, nang saksakin ng suspek  habang karga niya ang biktima,  sa isang hostage dramang  naganap sa  Quirino Highway, Barangay Maharlika, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, kamakalawa ng umaga.

Kaagad ding napatay  ang hostage-taker  na kinilalang si Jose Puyo, Jr.,  nang barilin  ng mga rumespondeng awtoridad  nang makitang inundayan ng sunod-sunod na saksak ng balisong ang walang kalaban-laban na biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinauwi mula sa pinapasukang towing services ang suspek, nang  bigla na lamang nagtatakbo na parang may kinatatakutan,  at habang nasa bahay ay nakatalo niya ang asawa ng kanyang pinsan.

Sa ulat na nakarating kay Police Senior Supt. Joel Estaris, hepe ng pulisya, bandang 9:00 ng umaga nang maganap  ang krimen, nang bigla umanong kargahin ng suspek ng kanyang pamangkin at tinutukan ng dala niyang balisong.

Nakipaghabulan pa umano ang suspek sa mga barangay tanod na humabol sa kanya, pero nang makasalubong nito ang mga rumespondeng pulis, ay bigla nitong sinaksak ang kargang pamangkin, kaya napilitan ang mga awtoridad na barilin ang suspek.

Napag-alaman din, tatlong araw pa lamang nanunuluyan ang suspek  galing  Bicol, sa  bahay ng kanyang pinsan  sa nasabing lugar bago naganap ang nasabing krimen.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *