Monday , December 23 2024

Modelo, kelot patay sa suicide

 

032114_FRONT

PATAY ang isang babaeng modelo at isang pang lalaki makaraan ang sinasabing pagtalon mula sa mataas na bahagi ng gusali sa magkahiwalay na lugar kahapon.

Ang modelong si Helena Belmonte ay tumalon mula sa ika-28 palapag ng Renaissance Tower 1000 sa Ortigas, Pasig City at bumagsak sa sa air-conditioning unit exhaust vent sa 7th floor dakong 1:30 a.m. kahapon.

Si Belmonte ay nasa loob ng unit ng gusali kasama ng kanyang boyfriend at mga kaibigan nang maganap ang insidente.

Sinabi ng boyfriend ni Belmonte, inakala nilang natutulog lamang ang biktima. Ngunit nang kanilang silipin sa kwarto ay wala ang biktima.

Narekober ng mga awtoridad ang sinasabing suicide note na iniwan ng biktima.

Inamin ng boyfriend na bago ang insidente ay nagtalo sila ng biktima ngunit agad din itong naayos.

Samantala, isang lalaki ang nangisay at binawian din ng buhay makaraan tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Robinson’s Place sa Ermita, Maynila kahapon ng hapon.

Ang biktimang hindi pa nakikilala ay pinaniniwalaang 30 hanggang 40-anyos, ayon sa pahayag ng Robinsons Land.

Ayon sa mga saksi, tumama ang ulo ng lalaki sa glass portion ng railings sa ikatlong palapag ng mall bago bumagsak sa ground floor.

Naganap ang insidente sa Midtown wing ng mall.

Isinugod ang biktima sa Manila Doctors Hospital ngunit idineklarang patay dakong 2:50 p.m., ayon kay  Dr. Hazel Yu.

Kinompirma ni PO3 Joseph Cabigting ng Homicide Section ng Manila police, ang pagkamatay ng biktima.

Inihayag ni Dollie Bufi, regional operations manager ng Robinsons Mall, nawasak ang dibdib at nabali ang mga kamay at paa ng biktima bunsod pagbagsak sa baldosa.

Sinusuri ng pulisya ang CCTV footage ng mall para matiyak kung tumalon ang biktima.

Hataw News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *