Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol, binatilyo utas sa ratrat (3 killer nakatakas sa manhunt)

PATAY ang isang taon gulang sanggol na babae at 19-anyos binatilyong kapitbahay makaraang pagbabarilin sa loob ng bahay ng pamilya ng paslit sa Rodriguez, Rizal kamakalwa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang mga biktimang sina Angelica Amores, isang taon gulang, ng Blk. 16, Lot 2, Phase 1, Eastwood Greenview, Brgy. San Isidro, at Lorins Hamor, 19, nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Target ng manhunt operation ng mga awtoridad ang tatlong suspek na tumakas lulan ng dalawang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Vladimir Dizon, dakong 8:10 p.m. nang mangyari ang insidente sa bahay ng pamilya Amores.

Nabatid na nagtungo sa bahay ng pamilya Amores si Hamor at nakipaglaro kay Angelica.

Ngunit biglang pumasok ang mga suspek at pinaputukan si Hamor. Agad namatay sa insidente si Hamor habang nahagip din ng bala ang sanggol.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang target ng mga suspek ay ang ama ni Angelica na si Athur Amores na sinasabing runner ng droga ngunit nagkamali ng puntirya ang mga salarin.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …