Friday , November 1 2024

Anti-smoking campaign, ningas ‘tabako’

ANO na ba ang balita sa anti-smoking campaign ng Metro Manila Development Authority? Ilang taon na ang nakalilipas, mahigpit na ipinagbawal ang paninigarilyo kahit sa mga lansangan sa Metro Manila. Pero matapos ang ilang panahon tila NINGAS COGON lang ang kampanya. Nawalang parang sinindihang tabako na hinithit ng maruruming usok sa Kamaynilaan.

Nabanggit ko ito matapos po natin makadalaw sa siyudad ng Davao nitong nakaraan. Laking gulat ko na matagal na palang no smoking sa buong lungsod at mayroon lamang itinakdang SMOKING AREA sa mga piling lugar. Gaya na lamang ng bumisita ako sa isang mall, aba ‘e akalain ninyong para makapagsigarilyo kailangan mong lumabas at tumungo sa pinakamalayong sulok ng gusali. Iisa lamang ang designated smoking area roon.

Kapag lumabag ka, walang sinisino ang mga awtoridad. Tiyak huli ka! Nakabibilib talaga ang idol kong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Kahanga-hanga ag kanyang POLITICAL WILL. Siya na lamang yata ang politikong may ganitong katangian kaya naman kahit gabihin ka sa kalilibot sa kanyang teritoryo ay wala kang kaba. Ito ay kung ikaw ay matinong tao.

Isa pang kahanga-hanga, ang pagsunod ng mga tao roon sa itinakdang speed limit sa siyudad. Kapag nasa loob ng city proper, hindi maaaring humigit sa 30 KPH ang takbo ng iyong sasakyan. Sa mga highway naman nila, hindi ka rin puwedeng kumaripas unless may emergency.

Nakabibilib. Malayo sa sitwasyon dito sa Metro Manila. Sa totoo lamang, mas masarap sigurong manirahan sa ganoon kaligtas na lugar kaysa isang siyudad na gaya ng Maynila at mga karatig-lungsod na halos nasa hukay na ang kalahati ng ‘yong katawan sa tuwing lalabas ka ng bahay. How awful!

Ang aral na mapupulot natin sa ehemplo ng Davao ay ito:Kaya naman nating gawin kung gugustuhin.

Malinaw na malaki rin katipiran para sa lokal na pamahalaan na malayo sa sakit ang mamamayan. Mantakin ninyo milyon-milyong piso ang ginugugol ng gobyerno para sa health care. Karamihan sa mga sakit ngayon ay bunsod ng PANINIGARILYO. Kaya ako, mga kanayon, iniisip ko na rin talikuran ang bisyong ito. Hindi ba, President Noy?

Oh, teka! Mabalik tayo sa tanong ko: Anyare MMDA sa anti-smoking campaign n’yo?

BAGUIO JUNKET

NG MGA ECIJA BUDGET

OFFICER PART 2

Kumustahin naman natin ang isyu hinggil sa isinagawang JUNKET o seminar kuno ng mga opisyal ng “Association of Local Budget Officers” at ilang barangay at local officials sa Nueva Ecija. Nakarating na raw ang participants noong Linggo. Ano naman kaya ang natutunan nila roon? Sana naman ay nag-enjoy sila pagkat kapag nagkataon, sapol ang mga pasimuno sa Commission on Audit at sa DILG.

May nilabag daw kasing circular na ipinalabas noong Pebrero. Base sa bagong alituntunin, dapat ang mga training seminar ay ON SITE na lamang para makatipid ang pamahalaan.

Alam kaya ito ni DILG provincial director ABRAHAM PASCUA? Pakitanong nga po Dir. Trovela ng DILG-BDOO.

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *