NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine embassy officials sa Spanish police kaugnay sa ulat na pagkaaresto ng 20 Filipino na sinasabing sangkot sa drug trafficking syndicate sa nasabing bansa.
Una rito, napaulat ang pagkakasabat ng mga awtoridad sa mahigit walong kilo ng “highly addictive drugs” sa serye ng raid sa Madrid, Barcelona at Murcia.
Sa naturang operasyon, nasa 50 katao ang naaresto, kabilang ang 20 Filipino, 19 Spaniards at tatlong Africans.
Tinukoy din sa report na naging “front” ng sindikato ang car import-export business firm sa kanilang operasyon.