Friday , November 1 2024

2 tambay sugatan sa tandem

SUGATAN  ang dalawang lalaki  nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang bumibili ng lomi sa isang karinderya sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Nasa Ospital ng Sampalok ang dalawang biktima na sina Rodelio Lorenzo, 39, walang trabaho , 906 Leyte Street Sampaloc, na tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang tiyan,  at si Benjamin Oropesa , 30, binata , ng 908 Leyte Street Sampaloc,  nagkasugat sa katawan sanhi ng tama ng bala ng baril.

Nakatakas ang suspek na nakasuot ng itim na jacket  lulan ng motorsiklong walang plaka.

Sa ulat ng pulisya , dakong 1:00  ng madaling araw nang maganap ang insidente sa G. Tuazon Street, Sampaloc.

Nabatid na nagtungo ang dalawang biktima kasama ng kanilang mga kaibigan sa “Batang Lomihan” malapit sa kanilang lugar.

Habang hinihintay ng grupo ang kanilang order, nagtungo muna si Benjamin sa isang comedy bar pero pinalabas umano ng isang Raffy Maranio , treasurer na nasabing comedy bar.

Kasunod nito, nagtungo si Raffy sa barangay upang ireklamo si Benjamin pero isang ‘di nakilalang lalaki na lulan ng motorsiklo  ang sumulpot sa lugar at nagpaputok ng dalawang beses na naging dahilan upang tamaan ang dalawang biktima.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *