Thursday , November 21 2024

4 paslit minasaker sinunog ng ina

031814_FRONT
HINDi pa makausap nang maayos ng mga pulis ang ina ng apat paslit na sinasabing pinagsasaksak at pagkaraan ay sinunog pa ng ginang na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, unang nabuo ang teoryang namatay sa sunog kahapon ng madaling-araw ang mga biktimang  sina Karyl, 9; Seth, 7; Zane, 3, at York, 1, sa kanilang bahay sa Jolo Street, Brgy. Iba, Meycauayan City, Bulacan.

Ngunit nang suriin ang bangkay ng mga biktima, natuklasang sila ay may mga saksak sa katawan.

Napag-alaman dakong 2 a.m. hanggang 4 a.m. nang maganap ang sunog sa dalawang palapag ng apartment na pag-aari ng pamilya Darlucio.

Hawak na ngayon ng pulisya ang 33-anyos ina na suspek sa pagpaslang sa kanyang mga anak.

Sinasabing may sakit sa pag-iisip ang ginang na lalong pinalala ng dinaranas na matinding depresyon.

Bagama’t aminado ang ginang na siya ang pumatay sa kanyang mga anak, itinanggi niyang siya ay baliw at hindi rin aniya siya gumagamit ng ipinagbabawal na droga katulad ng hinala ng pulisya.

Hindi nagbigay ng pahayag ang ama ng mga biktima ngunit hiniling na igalang ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya.

ni DAISY MEDINA

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *