TOWING-ESCORT RACKET. Kung inaakala ninyong binabatak ng RWM towing truck ang container van sa kanyang likuran para dalhin sa impounding area dahil sa paglabag sa traffic rule, nagkakamali po kayo. Binabatak ng RWM towing truck ang container van na pumayag magpa-escort sa kanila upang hindi maipit ng traffic. Ang mga hindi nagpapa-escort, pinaliliko sa Romualdez at sinusuong ang nakakukunsuming traffic habang ang mga nagpa-escort ay deretsong nakapagbibiyahe sa United Nations Avenue hanggang Roxas Blvd., saka kakaliwa kung southbound o kakanan kapag northbound. Nagsimula ang towing-escort racket mula nang ipatupad ng Maynila ang truck ban. (BONG SON)
Check Also
Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026
ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …
Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad
HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …
Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …
Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya
MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …
PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup
ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



