Monday , December 23 2024

Karnaper tinugis ng pulis (1 todas, 2 sugatan )

031614 dead karnaper
 Patay ang isang karnaper at agaw-buhay ang kanayng kasama makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng MPD-ANCAR sa Taft Ave. kanto ng Quirino Ave, Malate, Manila. Naka-inset ang inagaw na motorsiklo ng mga suspek. (ALEX MENDOZA)

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa naganap na enkwentro ng mga pulis laban sa mga hinihinalang carnapper sa Maynila, iniulat kahapon.

Sa panayam sa biktimang tumangging magpabanggit ng pangalan, pauwi na siya galing trabaho mula sa isang restaurant sakay ng motorsiklo nang maganap ang insidente.

Pagdating niya sa kanto ng Quirino at Taft Avenue, hinarang siya ng tatlong lalaking sakay ng dalawang motorsiklo at tinutukan ng baril habang pilit na inaagaw ang kanyang motor.

Nagpumiglas ang biktima at pinatakbo nang mabilis ang sasakyan upang humingi ng tulong sa pulis na nakaposte sa lugar.

Nang makarating sa Remedios St. checkpoint, pinahinto ng mga pulis ang mga suspek pero humarurot ng takbo at doon nagsimula ang putukan.

Nasugatan sa enkwentro ang dalawa pang suspek na bantay-sarado ng pulisya habang nagpapagaling sa ospital.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *