Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 Binay staff sugatan sa Ifugao (SUV nahulog sa bangin)

BAGUIO CITY – Apat staff ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang sasakyan mula sa convoy ni Vice Pres. Jejomar Binay sa  Banaue, Ifugao   kahapon  ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Tamo, driver ng nasabing sasakyan, Alexander Solis, Alexander Sicat at Roman Campita, photographer.

Sa impormasyon mula sa Ifugao Provincial Police Office, isang itim na Fortuner (SJR-272) ang nahulog sa 15 talampakang lalim ng bangin.

Sa kasalukuyan, nasa ligtas nang kalagayan ng apat na ginagamot sa Good News Medical Hospital sa Banaue, Ifugao.

Napag-alaman din ng  mga pulis na ang mga pasahero ay mga miyembro ng security group  ni  Binay at ang isa ay personal photographer.

Inaalam pa ng mga pulis ang dahilan ng pagkahulog sa bangin ng nasabing SUV.

Sa pahayag ni Joey Salgado, spokesman ng pangalawang pangulo, patungo ang mga staff sa Banaue para sa turnover ng medical equipment at inagurasyon ng bagong gusali nang mangyari ang insidente.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …