PINATAY makaraang halayin ng hinihinalang adik ang tisay na misis sa loob ng apartment sa Brgy. Bancal, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Rosalinda Valleros, 30, ngunit binawian din ng buhay.
Habang agad naaresto ang suspek na si Jamar Lagidao, 20, vulcanizer, residente ng Brgy. Malcahan ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO2 Fulgencio Moren, dakong 7 p.m. kamakalawa, dinalaw ng ina ang biktima sa inuupahang apartment sa Unit 03, Odsmans Building, ngunit nagulantang nang makitang duguan ang ginang sa kama at walang saplot sa katawan. May nakita ring marka sa leeg ng biktima na palatandaan na siya ay sinakal
Inaresto ng mga awtoridad ang suspek makaraan ituro ng saksi na nakakita sa salarin habang nagmamadaling lumabas ng apartment ilang oras bago natagpuan ang bangkay ng biktima.
(DAISY MEDINA)