Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Killer ni Kenneth Chua timbog sa ATM card (Kinasuhan ng homicide)

KASONG robbery with homicide ang isinampang kaso kahapon sa Makati City Prosecutor’s Office ng Makati City Police laban sa master cutter na nagnakaw at pumaslang sa isang fashion designer.

Ikinulong na sa Makati police station ang suspek na si Rogelio Aquiat, residente sa Caloocan City.

Sa follow-up operation ng Makati City Police, naaresto si Aquiat nang makita sa CCTV camera na nakapag-withdraw siya ng pera gamit ang ATM card ng biktimang si Kenneth Chua.

Si Chua, fashion designer ng ilang beauty queen at ilang talent ng ABS-CBN, ay natagpuan duguan at walang buhay sa loob ng kanyang apartment sa

Dayap St., sa Barangay Palanan, nitong Martes.

Sa pulisya, sinabi ng suspek wala siyang planong patayin si Chua ngunit nanlaban kaya’t napilitan siyang ituluyan ang biktima.

Napag-alaman na bagong trabahador lamang si Aquiat bilang master cutter ni Chua.

Tinutugis ng mga awtoridad ang isa pang suspek na kinilala lamang sa alyas Adiang.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …