SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III ang dalawang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang mga sinibak ay sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, kapwa deputy directors ng NBI.
Aniya, si Atty. Ricardo Pangan Jr. ang papalit kay Esmeralda at si Atty. Antonio Pagatpat ang papalit sa pwesto ni Lasala.
Kabilang din sa itinalaga ng Pangulo ay si Atty. Edward Villarta na magiging kapalit ni Deputy Director Rickson Chion, nagretiro noong Nobyembre, 2013, at si Jose Doloiras na papalit kay Virgilio Mendez na itinalaga bilang pinuno ng NBI.
“The four new appointees will be joining the NBI Directorial Staff along with Director Mendez, Assistant Director Medardo De Lemos and Deputy Directors Edmundo Arugay and Rafael Ragos,” pahayag ni De Lima.
Sinabi ng kalihim, ang reorganisasyon ng NBI ay naglalayon na matiyak ang “integrity and competency of our nation’s premier investigative agency.”
HATAW News Team