KALAT na kalat ngayon sa social media ang isang impormasyon na nagsasabing may namumuong hidwaan sa hanay ng Bureau of Immigration – Bicutan detention cell guards. ‘Yan daw ay dahil sa paglalabas ng sama ng loob nila sa pagkalat ng ilegal na droga sa loob mismo ng BI detention cell.
Isinisisi umano ang pangyayaring ito sa pagsulpot ng isang bagong ‘technical supervisor’ na dating Mistah ni BI Comm. Fred Mison. Dalawang beses daw nag-conduct ng spot inspection ang nasabing technical supervisor. Ito ay noong February 8 at sinundan nitong February 26 bandang 7:30 pm. Sa parehong petsa ay may mga nakompiskang ilang gramo ng shabu kasama na ang cellphones at electronic gadgets pero imbes ireport at i-turn over sa PDEA ang kompiskadong droga, ay muli raw ibinenta (recycle!?) sa mga detainee at ang mga cellphones, iPads at iba pang electronic gadgets ay ipinatubos sa mga dating may-ari nito?!
Sonabagan!!!
Hindi na maganda ‘yan ha!!!
Kung ito man ay totoong nangyayari sa loob ng BI Bicutan ay talagang may katwiran nga na magreklamo ang mga beteranong guwardya sa BI- Bicutan Detention cell. But since bago lang sa posisyon si Mr. Technical Supervisor, I’m still giving him the benefit of the doubt. Pwede rin kasing sabihin na maraming nasagasaan ang mama sa kanyang mga bagong panuntunan at pamamahala sa BI Bicutan kaya gano’n na lang ang ginagawang panggigiba sa kanya ngayon.
Matatandaang noon pa man ay ilang beses na rin napabalitang talamak na ang ilegal na droga at iba pang mga kalokohan d’yan sa BI Bicutan detention. Hindi ba’t ilang beses na rin nasibak ang mga naging Jail warden d’yan?
Siguro naman hindi papayag si Comm. Mison na d’yan pa siya makanal na ipinagkatiwala niya sa sariling Mistah n’ya ang pamamalakad ng BI Bicutan detention cell.
Ano kaya sa palagay n’yo?
Comm. Fred Mison, maybe it’s about time na balasahin ang buong BI Bicutan detention. Since this is now under the supervision of BI Exec. Director Eric Dimagulangan ‘este’ Dimaculangan, mukhang hindi naman n’ya ito gaanong napagtutuunan ng pansin kaya nagiging paloko-loko ang pagpapatakbo nito!?
Suggestion lang po, bakit hindi ibigay kay IRD Head Mr. Danny Almeda ang pamamahala nito?
‘Yun lang po!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com