HINDI “ampaw” na pinuno ang gusto ni Pangulong Benigno Aquino III na pumalit sa kanya sa Palasyo sa 2016.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo bilang tugon sa tanong ng isang estudyante ng Christian Hope High School sa Sta. Cruz, Maynila, kung ano sa tingin niya ang kwalipikasyon ng susunod na presidente ng bansa
Binigyan ng tips ni Aquino ang mga estudyante kung ano ang dapat na qualifications sa pagpili nila ng susunod na Pangulo sa 2016 Presidential elections.
Aniya, kailangang competent o hindi ampaw ang kandidato o tipong isang pagkain na malasa nga pero hangin ang loob o baka maganda lang magsalita ngunit walaang laman at nagpapa-cute lang.
Dapat din aniyang consistent o hindi pabago-bago ang desisyon at hindi makasarili at uunahin ang kapakanan ng mga mamamayan.
Giit pa niya, importante rin na may kababaang loob o humility at hindi masyadong bilib sa sarili o bolero.
Sa kabuuan, sinabi ng Pangulo na mahalagang tuloy-tuloy ang ginagawa ng isang Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)