Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

16-anyos namaril, 3 binatilyo sugatan

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang tatlong menor de edad makaraan ratratin ng kapwa nila teenager kahapon ng madaling-araw sa Masbate City.

Kinilala ang mga biktimang nilalapatan ng lunas sa Masbate District Hospital na sina Ryan Lao-ang, 17; Sonny Tioco, 16, kapwa taga Brgy. Kinamaligan, at Jaylord Gonzaga, 17, ng Brgy. Bolo sa nabanggit na siyudad.

Habang pinipigil sa Masbate City PNP ang suspek na itinago sa pangalang Kim, 16, residente ng Brgy. Kinamaligan sa naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 2 a.m. habang pauwi na ang tatlong biktima galing sa sayawan sa Brgy. Bolo.

Nauna rito, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang suspek at ang mga biktima sa nasabing sayawan hanggang sa umalis ang tatlo.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima, inabangan sila ng suspek na armado ng baril at sila ay pinaputukan.

Tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril ngunit isinuko siya ng kanyang mga magulang.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …