Monday , December 23 2024

Sitwasyon nina Slaughter, Lassiter naintindihan ng SBP (Senado ayaw makisawsaw kina Slaughter, Lassiter)

NAINTINDIHAN ni Samahang  Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios ang sitwasyon nina Marcio Lassiter at Greg Slaughter na parehong umatras sa Gilas Pilipinas.

Ayon kay Barrios, dapat tanggapin ng lahat ang mga dahilan ng dalawa sa kanilang pag-atras.

“Individual right ‘yun so we just have to accept it,” wika ni Barrios.

Umatras sina Lassiter at Slaughter sa national team dahil sa tingin nila ay mas karapat-dapat na sumabak sa Gilas ang orihinal na 12 manlalaro ni coach Chot Reyes na tumapos sa ikalawang puwesto sa FIBA Asia Championships noong isang taon.

Samantala, malaki ang posibilidad na mga manlalaro ng PBA ang isabak ng SBP sa Asia-Pacific Leg ng FIBA 3×3 World Tour na gagawin sa Oktubre sa Tokyo, Japan.

Ang Asian leg ng torneo ay gagawin dito sa Pilipinas sa Hulyo kung saan tatlong koponan ang puwedeng isabak ng bansa.

(James Ty III)

SENADO AYAW MAKISAWSAW KINA SLAUGHTER, LASSITER

WALANG balak ang tserman ng Senate Committee on Games and Amusement na si Senador Juan Edgardo Angara na tumawag ng hearing tungkol sa pag-atras nina Marcio Lassiter at Greg Slaughter sa Gilas Pilipinas.

Ayon kay Angara, hindi siya makikialam sa national team pagkatapos na humiling si Rep. Elpidio Barzaga ng Cavite sa Games and Amusements Board na tanggalan ng lisensiya sina Lassiter at Slaughter.

“Mahirap puwersahin ang tao na  maglaro sa bansa kung di nila trip ito,” wika ni Angara. “Playing for the national team is a privilege. Not all who are asked will accept, pero di din mapilipit.”

Samantala, sinabi ni Sen. Angara na sisikapin niyang makapasa sa Senado ang Senate Bill No. 2108 para bigyan ng naturalization si Andray Blatche at makalaro sa Gilas Pilipinas.

Naunang ipinasa na ng Kongreso ang House Bill 4048 ni Rep. Robbie Puno na nagbibigay ng naturalization kay Blatche.

“Medyo tight yung schedule, but we will try to push it,” ani Angara sa panayam ng www.sports5.ph. “It’s doable, but yung constraints talaga natin yung oras.”

Ang Senate Committee on Justice na hawak ni Senador Koko Pimentel ang may hawak sa bill ni Angara.

“It was already referred to Senator Pimentel, a lot depends on him. Kumbaga siya yung nasa driver’s seat pagdating sa bill na yan,” said Angara. “Sana by May nasa floor na at dine-debate na.”

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *