Monday , December 23 2024

No biometrics voters disqualified sa 2016 elections

TINATAYANG aabot sa milyon mga botante ang posibleng ‘di makaboto sa 2016 elections sa dahilang wala silang biometrics,  kahit pa sila registered voter.

Sa ipinahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez,   marami sa mga registered  voters na nasa master list ang wala pang biometrics.

Sila ang mga botanteng nakapagparehistro bago pa ilunsad ang modernisasyon sa voters registration noong 2004, nu’ng hindi pa computerized ang records kabilang ang thumb mark o biometrics, ang picture at pirma.

Ani Jimenez sa mga nagdaang halalan ay maaaring nakaboto pa sila, ngunit sa 2016 ay ‘di na papayagang bumoto ang mga walang biometrics.

Mahigit isang taon ang palugit na ibinibigay ng comelec sa mga botante upang i-validate ang kanilang registration

Maaaring magtungo sa Comelec office na nakasasakop sa address ng botante mula Mayo 6 (2014) hanggang Oktubre 2015.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *