Monday , December 23 2024

Nawawalang P39,000 naibalik sa madre (11 buwan na ang nakararaan)

031314 MIAA honest driver

ISA na naman ‘Honesto’ airport taxi driver ang nagsoli ng US$ 1,700 cash at iba pang gamit ng isang overseas Filipino worker (OFE) sa Airport kahapon. (JERRY YAP)

NAREKOBER ng isang mad-re mula sa Ilocos Norte kamakalawa ang nawala ni-yang wallet na naglalaman ng P39,000 cash nang mawala ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang taon.

Sinabi ni Airport police Cpl. Reynon Flores, ang wallet ay natagpuan noong Abril 2013 ng janitress at natukoy ang may-ari nito na si Sister Mary Emilia Lamunda sa pamamagitan ng kanyang identification card na naroroon sa pitaka.

Nitong Abril ng nakaraang taon, natagpuan ng janitress na si Linda Villablanca, nakatalaga sa NAIA Terminal 3, ang wallet at isinumite ito sa mga awtoridad na inilagay naman ito sa lost and found section ng airport.

Makaraan ang ilang buwan, walang dumating na claimant sa lost and found sectiuon para sa natagpuang wallet.

Hanggang dalawang tourism students mula sa North Western University ng Ilocos na kinilalang sina Ninothacka Janine Pascua at Kathlene Joy Bacud, kasalukuyang nasa on the job training (OJT) sa Manila International Airport Authority (MIAA) lost and found section ng airport police Intelligence and Investigation Division, ang inatasan sa pag-hahanap sa may-ari ng wallet na si Sister Lamunda dahil sila ay kapwa mula sa Ilocos Norte.

Natunton ng dalawang estudyante ang madre sa Benedictine nuns of Eucharistic King. Ibinalik ng dalawang estudyante ang wallet kay Sister Lamunda na hindi makapaniwalang mai-babalik pa sa kanya.

Nagpasalamat ang madre sa dalawang estud-yante gayondin sa janitress na si Villabanca at kay Fores na naging instrumento para maibalik sa kanya ang wallet.         (GLORIA GALUNO)

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *