Hindi raw maganda ang kinahihinatnan ng imbestigasyon na ginagawa sa major operations ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division partikular sa mga pangunahing Chinese malls sa Divisoria gaya ng 168 at 999 at City Plaza.
Sayang lang daw ang mga ganitong operation ng BI-Intel agents dahil matapos nilang pagplanohang mabuti ang pagkakasa ng operation against illegal Chinese traders ay halos lahat naman daw ng mga nahuli nila ay pinakakawalan din dahil halos lugaw daw sa kalambutan ang mga ginagawang pag-iimbestiga!?
Saan ka naman nakakita na ang karamihan sa mga tsekwang hinuli ay mayroong Philippine Passports pero kapag kinausap ay halos hindi man lang makapagsalita ng Tagalog o English man lang ang mga ito.
What the fact!!!
Ano bang klaseng imbestigasyon ang ginawa d’yan!?
Bakit hindi man lang laliman ang pag-iimbestiga sa kasong ‘yan?! Bakit hindi ipina-certify sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung talagang genuine ba ang nasabing Philippine Passports bago sila pinakawalan?
Kung genuine man ang pasaporte, hindi ba dapat imbestigahan kung original ba ang mga attachments o requirements na isinumite at ginamit sa pagkuha ng nasabing passports?
E kung ganyan rin lang ang klase ng investigation at verification ay parang lumalabas na moro-moro lang o naglolokohan na lang kayo mga parekoy?!
Sayang lang ang effort ng mga taga-BI Intelligence Division kung ang lahat ng kanilang pinaghirapan ay napupunta lang sa wala!
Para bang: “Kami ang nagsaing pero iba ang lumamon’ di ba?”
Sa bright boy investigators ng mga nasbaing operation, hinay-hinay naman ang pagdedesisyon at nahahalata kayo?!
Don’t tell us na mas pinapaboran pa ninyo ang mga abogago ‘este’ abogado ng mga illegal na tsekwa na sina notorious fixer Betty Chuwawa at Anna Sey kaysa mismong mga kasamahan ninyo!
Pwe!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com