Monday , December 23 2024

Calixto, SMLI, 13 pa inasunto sa Omb (Sa Pasay City reclamation project)

031314_FRONT
SUSPENSIYON kina Pasay City Mayor Antonino Calixto, sa isang realty development at mga kagawad ng Sangguniang Panglungsod ang hiling ng isang Pasayeño na naghain ng kasong administratibo at kriminal sa Ombudsman dahil sa paglabag sa anti-graft practices ng mga nasasangkot.

Bukod kay Calixto at sa SMLI, nahaharap din sa kasong  administratibo at kriminal sina vice mayor Marlon Pesebre; mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod na sina Mary Grace Santos, Jennifer Roxas, Richard Advincula, Lexter Ibay, Allan Panaligan, Aileen Padua-Lopez, Ian Vendivel, Arnel Regino T. Arceo, Arvin G. Tolnetino, Reynaldo O. Pdua, at Ma. Antonia C. Cuneta. Kinasuhan din sina city legal counsel Atty. Severo C. Medrano, Jr., at ang realty developer na SM Land Inc.

Ang reklamo ay inihain ng isang private citizen na si Vivencio E. Fernandez, ng 535 Inocencio Street, Pasay City.

Sa dokumentong nakalap ng HATAW, Dyaryo ng Bayan, nagsampa sa Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo (OMB-A-14-0050) si Fernandez.

Kabilang sa kasong ito ang grave misconduct (administrative) at paglabag sa sections 3(e) and (g) in relation to Section 4(b), of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) with Prayer for Preventive Suspension sa labing-anim (16) katao at isang realty company.

Binigyan ng sampung (10) araw para magsumite ng kanilang counter-affidavit sina Calixto, Pesebre, mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod na sina Santos, Roxas, Advincula, Ibay, Panaligan, Padua-Lopez, Vendivel, Arceo, Tolentino, Pdua, Cuneta, Atty. Medrano, Jr., at ang SM Land, Inc.

Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa kwestiyonableng reclamation project sa 300 ektaryang karagatan sakop ng Pasay.

Matatandaang, nagpadala ng isang proposal ang SM Land Inc., para sa isang Joint Venture Agreement (JVA) kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay para pangasiwaan ang nasabing reklamasyon.

Nakapaloob sa nasabing proposal na ang SMLI ang sasagot sa aspetong pinansyal sa kabuuan ng proyekto at ang pamahalaang lungsod ang  mamahala sa mga kaukulang permit na kakailanganin sa nasabing proyekto.

Nakasaad din na ang lungsod ng Pasay at ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ay lalaanan ng 153 ektarya o 51% sa reclaimed portion kasama ang mga kalsada, at bukas na espasyo.

Ang nasabing proyekto ay tatapusin sa loob ng pitong (7) taon kasunod ng pagpapasa ng Lungsod ng Pasay ng Notice to Proceed na tinatayang nagkakahalaga ng P54,500,000.

Bilang tugon sa proposal ng SMLI, ang Sangguniang Panglunsod ay naglabas ng Sangguniang Resoluton No. 3019, series of 2013, na nagpapahintulot sa Mayor ng Lungsod na pasukin ang nasabing proyekto.

Noong Agosto 12, 2013, naglabas ang Sangguniang Panglungsod ng Sanggunian Resolution No. 3020 Series of 2013, na pinahintulutan si Mayor na tanggapin ang nasabing proyekto at hinimok na lagdaan ang joint venture agreement.

Noong Nobyembre 13, 2013, ang Pasay City Public Partnership Selection Committee (PPP-SC) ay naglabas ng Resolution No. PPP-SC 11-001, Series of 2013, na nagrekomenda na tanggapin ang proposal at i-award ang project sa SMLI.

Kinabukasan, ang Sangguniang Panglungsod ay naglabas ng Sangguniang Resolution No. 3046, Series fo 2013, na nagpapahintulot kay Calixto na makipaglagda sa SMLI para sa Contractual Joint Venture Agreement (CJVA) bilang kinatawan ng pamahalaang lungsod.

Dahil hindi dumaan sa tamang proseso, naging kwestiyonable ang bidding para sa nasabing reclamation project, kaya nagpadala  ng protesta ang  Ayala  Land Inc., at S & P Construction Technology and Dev. Company Inc., (S & P Construction).

Naglabas  ng  mga  usapin hinggil sa pagpili, at pagtanggap sa nasabing award ng nasabing proyekto, partikular na ang mga batas na sumasaklaw sa nasabing proseso na ipinatupad ng mga nasasangkot.

Noong Nobyembre 21 (2013), sa isang En Banc Committee hearing ng Sangguniang Panglungsod, pinag-usapan ang nasabing isyu sa joint venture project.

Matapos timbangin ang mga inihaing punto at mga katanungan ng ALI at S & P Construction, naglabas ang Sangguniang Panglungsod ng Sangguniang Resolution No. 3059 series of 2013, noong Disyembre 4, 2013, na binabawi ang Sangguniang Resolution Nos. 3040, 3046 at 3049 series of 2013.

Nakasaad sa Sangguniang Resolution No. 3059 series of 2013, ang Sangguniang Panglungsod  ng Pasay ay umaamin na:

“WHEREAS, on Nov. 25, 2013, Ayala Land Inc., and S&P Construction attended the en banc committee hearing of the Sangguniang Panglungsod and raised questions on the legality of the bidding carried out by the PPP-SC. The parties took the position that among others, the 2008 NEDA JV Guidelines could not be used because it was already superseded by the 2013 NEDA JV Guidelines, or that the NEDA JV Guidelines, whether the 2008 or 20013, does not apply since both, under Sections 4.1 and 4.2 thereof, respectively, expressly exclude projects undertaken by local government units from its coverage. Alternatively, it has been submitted that the BOT Law applies, as expressed in Section 1.2 of its IRR.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *