APRUBADO sa Gabriela Party-List na maging susunod na pangulo ng Filipinas ang bakla o tomboy.
Ito ang posisyon ni Gabriela Rep. Luz Ilagan makaraan ipahayag ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na babae dapat ang susunod na maging presidente ng bansa.
Ayon kay Ilagan, wala silang kinikilingan kung babae, lalaki o miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bi-sexual at transgenders) ang susu-nod na magiging pangulo ng bansa basta kwali-pikado, pro-women at isinusulong ang gender equality, mataas ang standard ng pamumuhay, positibo sa development ng edukasyon, health care at impra-estruktura.
Ipinagtatanggol ni Ilagan ang karapatan ng bawat isa na kumandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa ngunit dapat siguruhin na competent sa pagiging presidente ng Filipinas.
(JETHRO SINOCRUZ)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com