Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

60-anyos lolo ‘tumirik’ bago ‘makatarak’

BIGLANG nanigas  habang nangingisay ang 60-anyos  lolo, nang makaharap ang hubo’t hubad  na guest relations officer (GRO)  sa loob ng isang kwarto ng  apartelle sa Caloocan City,  iniulat kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Cesar  Cueto, 60-anyos, ng Lot 11, Block E-1 Dagat-Dagatan, sanhi ng  paninikip sa dibdib.

Sa ulat ni PO3 Rommel Bautista, may hawak ng kaso, dakong 11:00 ng umaga, nang maganap ang insidente  sa  Fhiolan Apartelle nasa M. H. del Pilar St., Brgy. 120 ng lungsod.

Sa panayam  sa GRO, itinago sa pangalang Michelle, 30 anyos, biyuda, kinausap siya ng lolo at nagkasundong mag-check-in sa nasabing apartelle.

“Pinauna niya akong pumasok sa loob. Nang pumasok na siya at habang naghuhubad ako, nagtatanggal na rin siya ng damit, nagulat na lang ako nang bigla niyang sapuhin ang kanyang dibdib at biglang natumba,” kuwento ng GRO.

Dito umano mabilis siyang tumawag ng roomboy para humingi ng tulong sa mga awtoridad  na nadatnan  ang naninigas na katawan ni Cueto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na da-ting maysakit ang matanda at gusto lamang makapagparaos pero hindi kinaya ng kanyang katawan.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …