WALANG plano ang Palasyo na pigilan ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagpapatupad ng prepaid electricity service (PRES), na mistulang electronic load sa cellular phone, kahit may posibilidad na pwedeng ikarga rito ang power rate hike upang hindi mamalayan ng milyon-milyong consumer.
“Meralco’s prepaid scheme in the supply of electricity falls within the ambit of authority of the ERC, which tasked among others: to ensure the qua-lity, reliability, security and affordability of supply of electric power and ensure the adequate promotion of consumer interests,” sabi ni Communications Secretary Hermi-nio Coloma, Jr.
Pangunahing tung-kulin aniya ng pamahalaan na tiyakin ang proteksyon ng kapakanan ng mga mamamayan, ngunit wala siyang binanggit kung paano ito gagawin sa harap ng implemen-tasyon ng Meralco ng PRES sa ilang piling lugar
Naunang ipinatupad ng Meralco ang pilot testing ng PRES sa Angono, Rizal noong nak araang taon at ang ganap na commercial pilot ay nakatakdang maranasan ng mga consumer ngayong taon.
Gagamitin sa implementasyon ng PRES sa electronic loading facilities ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) Group.
Ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan, pinuno ng Meralco at PLDT, ay isa sa pangunahing campaign donor ni Pa-ngulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections.
(ROSE NOVENARIO)