PINAGPAPALIWANAG ng Court of Appeals (CA) ang NBI at PNP na umaresto noong nakaraang linggo kay Globe Asiatique president Delfin Lee, kung ano ang kanilang naging basehan para arestuhin at ikulong ang negosyante sa kasong syndicated estafa.
Ito’y makaraan pa-boran ng CA Special 1st Division ang petition for writ of habeas corpus ng kampo ni Lee.
Sa kautusan ni Associate Justice Manuel Barrios na sinang-ayonan nina Associate Justices Normandie Pizarro at Stephen Cruz, inatasan ang PNP at NBI na dalhin at iharap si Lee dakong alas-10 ngayong umaga.
Sa ilalim ng Revised Rules of Court, ang writ of habeas corpus ay ipinalalabas ng hukuman sa mga kaso ng illegal confinement o illegal detention na ginawa sa isang indibidwal.
Inihirit ng kampo ni Delfin Lee sa kanilang petisyon na iutos ng CA na pakawalan ang kontrobersyal na negosyante dahil sa sinasabing illegal arrest. (K. OROZCO)