Friday , November 22 2024

FOI bill ‘di urgent kay PNoy

MALABONG sertipikan bilang urgent ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Freedom of Information (FOI) bill na bagamat lusot na sa Senado ay nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, maingat ang Pangulong Aquino sa paggamit ng kanyang kapangyarihan para mag-certify ng panukalang batas.

Ayon kay Coloma, mas mainam na magkaroon nang malayang talakayan hinggil sa naturang panukala at hintayin ang aksyon ng Kamara.

Una nang nangamba ang mga kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara na mauwing muli sa wala ang pagpapasa ng Senado sa Freedom of Information bill, sa pagsasabing natutulog pa rin ito sa House committee on information.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *