ANIM na taon kulong ang inihatol ng korte sa examiner ng Bureau of Customs, na napatunayang nandaya sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at nagkasala ng limang beses na paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019.
Sa ponente ni Judge Amalia S. Gumapos-Ricablanca ng Manila Metro-politan Trial Court (MTC) Branch 15, ipinag-utos na si Ana Marie Concepcion Maglasang, nag-resign bilang customs exa-miner sa South Harbor, Port of Manila, ay mabilanggo mula 4 na buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw sa bawat bilang ng kasong perjury at P25,000 multa.
Kinasuhan si Maglasang dahil hindi idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ang mga tunay na kayamanan, gaya ng mga sasakyan at mamahaling bahay sa mga exlusive subdivision para sa mga taon 1999 hanggang 2003.
Sa ginawang lifestyle check, nabuking ang mamahaling SUVs ni Maglasang gaya ng Ford Expedition, Pajero, mga bahay sa Valle Verde at Royale Tagaytay Estates na hindi idineklara sa kanyang SALNs.
Taon 2005, kinasuhan ng DoF-RIPS si Maglasang at kanyang kapa-tid na si Matilda C. Milla-re, dating Chief Customs Operations Officer ng BoC.
Noong 2006, napatunayan ng Office of the Ombudsman, ang mag-kapatid na guilty sa kasong Dishonesty and Grave Misconduct kaya sila ay sinibak sa serbisyo.
Ito ang kauna-una-hang tagumpay ng Department of Finance laban sa katiwalian mula nang itatag ang Revenue Integrity Protection Service (RIPS) sampung taon na ang nakararaan.
”This is a landmark victory in the President’s customs reform program and anti-corruption agenda. At last, our efforts are gaining headway,” ani Undersecretary Carlo Carag, pinuno ng DoF Revenue Operations and Legal Affairs Group, patungkol sa desisyon ni Judge Gumapos-Ricablanca.
(leonard basilio)