INATASAN ng Palasyo si Immigration chief Siegfrid Mison na higpitan pa ang ipinatutupad na patakarang pang-seguridad para hindi malusutan ng mga terorista.
Ang direktiba ng Malacañang ay kasunod ng ulat na nakapuslit ang dalawang pasaherong may hawak na nakaw na pasaporte sa Malaysian Airlines flight MH370 na biglang nawala mula nang umalis sa Kuala Lumpur airport noong Sabado habang patungo sa Beijing, China.
“Right now, I think our security measures are very strict, but certainly it gives us pause to look into again our security measures. I am sure that the Bureau of Immigration will see this event—see this incident as a way of reviewing our procedures,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon.
Hanggang kahapon ay wala pa rin nakikitang bakas ng MH370 sa mga lugar na posibleng dinaanan ng eroplano.
ni ROSE NOVENARIO