Iniimbestigahan ng Malaysia ang posibleng koneksyon sa terorismo ng pagkawala ng eroplano ng Malaysia Airlines nitong Sabado ng umaga.
Sa pinakabagong ulat, may dalawang hindi kinilalang sakay ng eroplano ang may kwestyunableng pagkakakilanlan.
Una nang napag-alaman na dalawang sakay ng nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 ang gumamit ng nakaw na pasaporte ng isang Italyano at isang Austrian.
Kinumpirma ng dalawang bansa na hindi sumakay ng nasabing eroplano ang mga may-ari ng pasaporte, na ninakaw sa mga ito.
Sa ulat ng local news agency na Malaysian Insider, inianunsyo ni acting Transport Minister Datuk Seri Hishammuddin Hussein, iniimbestigahan na nila ang buong manipesto ng biyahe.
“We are investigating the entire manifest, not just the four passengers,” pahayag ng opisyal.
Sa ngayon, wala pa rin nakikitang bakas ng eroplano.
“The disappearance of MH370 is not something which can be taken lightly and we cannot discount any possibilities. The intelligence agencies of relevant countries have been informed and we will be sharing information as investigations unfold,” ani Hishammuddin.
“Following discussions, intelligence agencies of various countries have agreed to work together to check the passenger manifest and the stolen passports.”
Ayon pa sa opisyal, sinisiyasat na kung paano nakasakay ng eroplano ang apat na nakaw ang pasaporte, sabay kambyong “however, this is an international network and we cannot completely blame the Immigration Department.”
Sinabi rin ng opisyal nakikipagtulungan na sila sa Federal Bureau of Investigation (FBI) officers na nakabase sa Kuala Lumpur.
Maingat ang opisyal sa pagsasabing “security lapse” ang naganap.
“Let us not jump to conclusions and make wild speculation. If it is a security lapse, then we have to ascertain where it occurred.”
“We are looking at all possibilities but the main issue now is to locate the missing MAS MH370.”
Kinumpirma rin ng oipsyal ang ulat ng oil slicks na natagpuan sa pagitan ng Malaysia at Vietnam bagamat walang debris na nakita sa lugar.
“The Vietnamese authorities have deployed vessels to the area to ascertain if the oil slick is aeroplane fuel and whether MH370 crashed in the area.”
Pinalawak pa ang search area ng rescue mission dahil sa posibilidad na nag-air turn back (ATB) ang eroplano. Sa ATB, bumabalik sa airport of origin ang eroplano oras na makaranas o magsuspetsa ito ng malfunction. (Halaw sa ulat ng Agence France Press/Yahoo News Malaysia)