Tuesday , December 24 2024

Malaysia Air bumagsak sa Vietnam (227 pasahero, 12 crew missing)

ISANG eroplano ng Malaysian Airlines ang pinaghahanap matapos mawalan ng contact at hinihinalang bumagsak malapit sa Vietnam, iniulat kahapon.

Sakay ng eroplano ang 227 pasahero kabilang ang dalawang sanggol at 12 crew.

Sa inilabas na pahayag ng Malaysia Airlines dakong 7:24 ng umaga, nawalan ng contact sa Subang Air Traffic Control ang flight MH370. Alas 2:40 am, ang huling komunikasyon nito.

Umalis sa Kuala Lumpur ang Boeing 777-200 aircraft flight dakong 12:41 ng madaling araw at inaasahang darating sa Beijing dakong 6:30 ng umaga.

Iniulat ng Xinhua news Agency na nawala sa radar ng Vietnam-controlled airspace ang Boeing 777.

Ayon kay Airlines CEO Ahmad Jauhari Yahya, 13 iba’t ibang nationality ang mga pasahero ng eroplano.

Humingi ng paumanhin si Yahya sa mga apektadong pasahero at tripulante pati na rin sa kaanak nila.

Samantala, nagpadala ng dalawang rescue ships ang China sa South China Sea bilang tulong sa pamahalaan ng Malaysia.

Kinompirma ng gobyerno ng Vietnam na nawala sa airspace radar ng bansa ang naturang eroplano.

“The plane lost contact in Ca Mau province airspace before it had entered contact with Ho Chi Minh City air traffic control,” ayon sa pahayag.

Nagpadala na rin ang Ministry of Defense ng Vietnam ng rescue efforts upang mahanap ang nawawalang eroplano na may sakay na 239 pasahero at crew.

Ayon sa Malaysia Airlines kabilang sa mga pasahero ng nawawalang eroplano ang 152 Chinese at 1 sanggol,  Malaysian – 38, Indonesian – 12, Australian – 7, French – 3, American national – 3 at 1 sanggol, New Zealand – 2, Ukraine – 2, Canadian – 2, Russian – 1, Italian – 1, Taiwanese – 1, Netherlands – 1 at Austrian – 1.

Kahit walang Pinoy nadamay
DFA NAKATUTOK SA MISSING MALAYSIAN PLANE

Patuloy ang berepikasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nawawalang Malaysian airplane sa kabila ng kompirmasyon na walang Pinoy ang nakasama rito.

Gayonman, ipinagpapasalamat ni DFA Spokesman Raul Hernandez na walang pasaherong Pinoy na nakasama sa biyahe ng nasabing eroplano.

Pero ayon kay Hernandez, hiling niyang maging ligtas ang lahat ng 239 pasahero ng eroplano kasama ang iba’t ibang nationalities matapos mawalan ng contact ang Subang Air Traffic Control sa Malaysia sa kanilang Flight MH370.

Samantala, palaisipan sa mga eksperto sa aviation industry ang insidente dahil kilala ang Malaysia Airlines na eksperto sa pag-operate ng Boeing 777 na isang jumbo jet at malinis ang record kung airline ang safety ang pag-uusapan.

(Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *