MALOLOS CITY-Malabo at hindi mananaig na tila isang ‘suntok sa buwan’ ang isinusulong na recall election laban kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado makaraang magpahayag ng suporta ang may 80 porsiyentong miyembro ng League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter para sa kasalukuyang gobernador upang hindi maisulong ang protesta.
Ayon kay Pandi Mayor Enrico A. Roque, pangulo ng Bulacan-LMP, todo ang suporta ng city at municipal mayors para kay Alvarado upang hindi matuloy ang ginagawang hakbang ng mga oposisyon laban sa kasalukuyang gobernador.
Patunay na rito ang mahinang kakayahan ng mga nagsasagawa upang mai-sulong ang recall election na isang paraan ng maagang pamomolitika na kinakai-langan makalikom ng 10 porsiyento pirma mula sa 1.5 milyong botante upang katigan ang recall.
Sinabi ni Roque, 19 mula sa 24 alkalde sa mga lungsod at bayan sa Bulacan ay nagpahayag ng pagsuporta kay Alvarado at nangakong hindi makali-likom kahit 3% ang isinasagawang pagpapapirma ng mga kalaban ng gobernador.
“Ang majority ng Bulacan LMP ay patuloy na naniniwala sa magagandang layunin at programang isinasagawa ni Gob Alvarado kaya hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pagtaas ng antas at progreso ng buong lalawigan dahil nga sa mahusay ni-yang performance,”ayon kay Roque.
Kabilang sa mga programa ay ang seven point agenda ni Alvarado na na-ging sandigan ng mga alkalde upang palakasin ang liderato ng kasaluku-yang administrasyon.
“Paanong mananaig ang isinusulong na ‘recall’ gayong halos lahat kami sa LMP at maging sa barangay ay nakasuporta para kay Gob. Alvarado”, dagdag ng alkalde.
Ayon kay Roque, hindi nagpapaapekto si Alvarado sa maagang pamo-molitika ng mga kalaban niya upang linlangin ang taumbayan sa tunay na kalagayan ng lalawigan at sa halip ay patuloy lamang ang gobernador sa kanyang pagsasaayos at pagpapanatili ng magandang antas ngayon ng lalawigan ng Bulacan.
Sinabi ni Roque, kamakailan ay kung ano-anong estratehiya ang ginawang hakbang ng mga kalaban ni Alvarado para dungisan ang maganda at matapat niyang panunungkulan na malinaw na maruming pamamaraan ng politika.