BINARIL sa ulo ng dating driver ni Liloan Mayor Duke Frasco, ang paslit na anak at pagkatapos ay nagbaril din sa kanyang sarili sa Liloan, Cebu.
Natapuang duguan at may tama ng punglo sa ulo ang mag-amang sina Fritz Villamor at si James, 5-anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Vicente, Liloan.
Ang bangkay ng mag-ama ay nadatnan ng pa-mangkin na si Nino Pilapil.
Sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ni Villa-mor ang anak bago nagbaril sa sarili gamit ang improvised 9-mm pistol na natagpuan sa crime scene.
Nakarekober din ng ilang drug paraphernalia at bote ng alak sa loob ng bahay.
Sa pagsisiyasat, nabatid na hiniwalayan si Fritz ng misis niyang si Cheryl dahil sa pananakit at patuloy na paggamit ng ilegal na droga. (BETH JULIAN)