HINDI itinanggi Malacanang ang posibilidad na ang tambalang Mar Roxas-Kris Aquino ang makasasagupa ng Jojo Binay-Vilma Santos tandem sa 2016 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, abala sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Roxas at nabalitaan lang ng Palasyo ang paglutang ng Roxas-Aquino sa 2016 sa pitak na lumabas sa isang pahayagan.
“We are in the midst of governance. Secretary Mar Roxas is in—is still the SILG. He’s still busy. Over the weekend, he was in Boracay, I think, protecting the ancestral domain of the Ati. So he’s in the midst of doing his job as Secretary of Interior and Local Government. We have not heard of that configuration until the article of Ms. Tordesillas,” ayon kay Lacierda.
Wala namang pakialam ang Palasyo kung bumuo ng sariling political party si Binay para sa kanyang 2016 presidential bid at kunin na katambal si Santos dahil wala silang kinalaman sa usapin. (R. NOVENARIO)