Kasunod ng paniba-gong insidente ng pagkahulog ng sasakyan sa Skyway, ipinasisiyasat ng mga awtoridad ang di-senyo ng tollway.
Aminado si Julius Corpuz, tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB) na “very alarming” na ang apat na beses nang pagkahulog ng sasakyan mula Skyway.
Sa pinakahuling insidente, dalawa ang nasu-gatan sa pagkahulog ng shuttle bus ng Skyway sa bahagi ng Sun Valley-Bicutan nitong Linggo habang noong Disyembre 16, nasa 20 ang namatay sa pagkahulog ng Don Mariano Transit.
Sa panayam, sinabi ni Corpuz na agad nilang pinapunta para humarap sa Skyway Management ang kanilang road safety consultant na si Alberto Suansing.
“Napag-usapan nila na we have to revisit all of these incidents of falling off vehicles dito sa Skyway,” ani Suansing.
Hinihintay aniya ng TRB ang report ni Suansing ukol dito.
Skyway ‘di problema
ASAL NG DRIVER DAPAT BAGUHIN — PALASYO
HINDI disenyo ang problema sa Skyway kundi ang asal ng mga nagmamaneho at hindi pagsunod sa speed limit.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa mungkahing baguhin ang disenyo ng Metro Manila Skyway para hindi na maulit ang insidente ng pagkahulog ng mga sasakyan.
Kamakalawa ay isa na namang shuttle bus ang nahulog mula sa elevated portion ng Skyway sa Paranaque City.
Matatandaang base sa mga pahayag ng mga pasahero na nakaligtas sa Don Mariano bus tragedy noong Disyembre, matulin ang pagpapatakbo ng driver habang bumabagtas sa Skyway kaya maaaring ito ang dahilan ng pagkahulog nito.
Giit pa ni Lacierda, mahalaga pa rin ang ibayong pag-iingat sa pagmamaneho para maging ligtas ang biyahe at ang kailangan lamang ay ang dagdag na mga gwardiya na nagbabantay sa kahabaan ng Skyway.
(ROSE NOVENARIO)