Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 paslit nalitson sa sunog (Panganay nakaligtas)

SAN FERNANDO CITY, La Union – Namatay ang tatlong batang magkakapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Pulipol, bayan ng San Gabriel, La Union kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Mae Joy, 7; Shiena Grace, 4; at Melan Khal Gacayan, 3, ng  nabanggit na lugar.

Ayon kay kay Senior Insp. Gerardo Soriano, hepe ng San Gabriel Municipal Police Station, bigo silang mailigtas, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Protection (BFP), ang mga bata dahil dahil sa bulubundukin at napakalayo ng lugar mula sa kanilang himpilan.

Magkakalayo aniya ang mga kabahayan doon kaya hindi rin agad nakapagresponde ang mga residente.

Mabilis din aniyang naabo ang bahay dahil sa gawa ito sa light materials.

Pahayag pa ni Soriano, mapalad ang 10-anyos at panganay sa magkakapatid na agad nakalabas sa nasusunog na bahay.

Sinasabi ng pulisya, maaaring nagsimula ang sunog sa nakasinding lampara sa loob ng bahay dahil hindi pa nararating ng suplay ng koryente ang nabanggit na lugar.

Nabatid na wala ang mga magulang ng mga biktima nang mangyari ang sunog.

Sa kwento ng ama ng mga bata na si Mark Cagayan, umalis sila ng kanyang misis upang manguha ng mga gagamiting materyales sa kanilang pananim.

Labis ang panlulumo ng mag-asawa nang madatnan nilang nagliliyab ang kanilang bahay kasama ang tatlong anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …