Monday , December 23 2024

Ali Peek nagretiro na

TULUYANG nagpaalam na si Ali Peek sa paglalaro sa PBA pagkatapos ng 16 na taong paglalaro.

Kinompirma ni Peek sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang kanyang pagreretiro sa PBA dulot ng ilang mga pilay na nakakaapekto sa  kanyang paglalaro sa Talk ‘n Text.

“2day I retire from professional basketball. I thank my family, loved ones, friends, team, coaches, management, and God: what a ride!” ayon kay Peek.

Kinompirma rin ni TNT coach Norman Black ang pamamaalam ni Peek sa liga.

“Ali will be missed by Talk ‘N Text and the PBA. For the last 16 years, the man-mountain has been a force in the paint despite standing a little over 6-foot-3,” ani Black na nag-draft kay Peek para sa Pop Cola noong 1998.

Bukod sa TNT at Pop Cola, naglaro rin si Peek sa Coca-Cola, Alaska at Sta. Lucia. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *