Thursday , April 24 2025

Mindanao ‘nilamon ng dilim’

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Energy ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa nangyaring Mindanao-wide blackout kahaponng madaling araw.

Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, ginagawa na nila ngayon ang paraan para maibalik ang normal na suplay sa apektadong mga rehiyon.

Una rito, inihayag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na nagkaroon na ng partial restoration ng power supply sa Cagayan de Oro, Davao City, Gen. Santos City, Pagadian City, Misamis Oriental at Zamboanga City.

Apektado rin ng power blackout ang North Cotabato, Koronadal, South Cotabato, General Santos City at Bukidnon.

Sa kalatas mismo ng ahensya, sinasabing nagsimula ang “power disturbance” bandang 3:53  a.m. ng madaling araw, bagama’t inaalam pa ang kadahilanan at ang lawak ng pinsala.

“Reports indicate that the Mindanao grid experienced a disturbance at 3:53 a.m. NGCP is still determining the cause and extent of the disturbance,” ayon sa kalatas ng ahensya.

ENERGY SECRETARY PETILLA ‘WALANG ALAM’ SA BLACKOUT

NGANGA si Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla sa dahilan ng blackout na tumama sa Mindanao kahapon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang prayoridad aniya ng DoE ay maibalik muna ang koryente bago imbestigahan ang sanhi ng blackout.

“They cannot pinpoint the cause of the tripping right now but will work on finding it once power is restored,” ani Valte.

Sabi ni Petilla, target ng DoE na maibalik ang koryente sa lahat ng lalawigan na naapektohan ng blackout bago matapos ang maghapon.

Ayon kay Petilla, wala silang natanggap na ulat na may armadong grupo o may naganap na pagsabog bago nangyari ang blackout.

Walang nakikitang dahilan si Petilla para makaapekto ang blackout sa pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III sa Malaysia dahil isolated aniya  ito  at  maaaring ayusin.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters (Earth Day)

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

042225 Hataw Frontpage

Pope Francis pumanaw, 88

HATAW News Team NANAWAGAN si Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of …

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *