Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatapusin o hihirit pa?

ITOTODO na ng San Mig Coffee ang paghataw kontra Rain or Shine sa Game Six ng Finals ng  PLDT myDSL PBA  Philippine Cup mamayang 8 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon Cty.

matapos na madiskaril sa layuning tapusin ang serye noong Linggo, ayaw na nina coach Tim Cone at mga bata niya na mabinbin muli ang kanilang selebrasyon.

Humirit ng 81-74 panalo ang Elasto Painters sa Game Five upang paliitin ang bentahe ng Mixers sa serye, 3-2. Hangad ng Elasto Painters na maitabla ang serye upang mapuwersa sa winner-take-all Game Seven ang Mixers sa Biyernes.

Pero ayaw ni Cone na mangyari ito dahil alam niya na mapupunta sa Rain Or Shine ang momentum.

“The hardest thing to do is to close out a series. Alam namin iyon. Pero pipilitin namin sa Game Six. Ayaw namin umabot sa Game Seven,” ani two-time Most Valuable Player James Yap na kagaya ni Marc Pingris ay gumawa ng 18 puntos sa Game Five.

Nag-ambag ng 11 si Alex Mallari at 10 si Mark Barroca sa Game Five.

Bumawi naman sa masamang performances sa game Three at Four si Jeff Chan na nagtala ng game-high 24 puntos sa Game Five. Sinuportahan  siya ni Beau Belga na gumawa ng 10 at Chris Tiu na nagtala ng 9.

Umaasa si Guiao na magkakatulungan nang husto sina Chan at Paul Lee.  “Ang problema kasi ay hindi nagkakasabay ang magandang laro nina Lee at Chan.”

Sa Game Five, si Lee ay nagtala lang ng walong puntos. Siya ay gumawa ng 23 sa Game Three at 28 sa Game Four kung saan natalo ang Elasto Painters.

Ang iba pang inaasahan ni Guiao ay sina Gabe Norwood, Ryan Arana, JR Quinahan at rookies Raymond Almazan, Alex Nuyles at Jeric Teng.

Ang ibang pambato ng San Mig Coffee ay sina  Joe DeVance, Rafi Reavis, Peter June Simon at Justin Melton.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …