MARAMING Senador daw ang gustong buuin na ang Senate Ethics Committee …
Ang problema ‘alang gustong mamuno sa nasabing committee.
Dahil dito, sabi ni Senate President Franklin Drilon, mas mabuti raw na mag-concentrate na lang sa paggawa ng batas ang mga Senador, kasi ‘yan naman ang trabaho nila bilang mambabatas.
Mayroon nga kasing suhestiyon si Senator Tito ‘insertion’ Sotto na buuin ang ethics committee para rito raw imbestigahan ang mga mambabatas na sangkot sa hindi tamang paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ‘yung tinatawag na pork barrel.
Para hindi raw nahuhusgahan sa publiko ang mga Senador dahil ang objective umano ng senate committee hearing ay “in aid of legislation not to determine the guilt or innocence of the lawmakers supposedly involved.”
Nauna nang sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na ang dapat mamuno sa committee na ito ay ‘yung mga senador na hindi kaaway o kaibigan ng tatlong Senador na nasasangkot na sina Senators Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
‘E ang siste nga walang gustong mamuno.
Bakeet!?
Dahil alam nilang lulutang at lulutang din sa proseso ng pagdinig na wala talaga silang ethics?
O UMIIWAS-PUSOY sila?!
Kasi ‘yan daw ang malaking problema sa mga mambabatas natin … wala tayong makitang tunay na STATESMAN.
Ang meron lang tayo ay mga mambabatas na mga politiko na sandamakmak ang KONSESYON sa karera at negosyo at KOMPROMISO sa buhay.
E kung ganyan ang mga mambabatas natin, magtataka pa ba tayo kung bakit mayroong ONLINE LIBEL under CYBERCRIME LAW?!
(Hindi ko alam kung breakthrough ang batas na ito sa larangan ng hustisya o talagang nagpapaka-‘VIRTUAL’ lang ang mga mambabatas – hi-tech effect ba ito o talagang bumilis ang utak laban sa katotohanan pero naiwan ang katawan na pakaang-kaang – ito po ang laruin natin sa susunod – tingnan natin ang pros and con ng virtual law).
Pero sa isang banda, naisip ko rin, gawin na lang din kaya nating ‘VIRTUAL’ ang sweldo at pork barrel ng mga mambabatas?!
Ano sa tingin ninyo mga suki?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com