Monday , December 23 2024

Rodgers hahataw sa Ginebra

NAKATAKDANG dumating ngayon ang import ng Barangay Ginebra Gin Kings na si Leon Rodgers na inaasahang makakatulong nang malaki sa hangarin ng Gin Kings na makabawi sa masaklap na kapalarang sinapit nila sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup.

Si Rodgers, na may sukat na 6-7, ay galing sa impresibong stint sa Jilin Northeast Tigers sa Chinese Basketball League. Sa koponang ito ay kakampi niya ang dating reinforcement ng San Mig Coffee na si Denzel Bowles.

Ayon sa scouting reports, si Rodgers ay isang mahusay na outside shooter na minsan ay gumawa ng 66 puntos sa isang laro noong 2009. Sa larong iyon ay Nagbuslo siya ng 15 three-point shots. Kaya naman sinasabing tiyak na titindi ang opensa ng Gin Kings kung pagsasabayin ni coach Renato Agustin sina Rogers at ang twin towers na sina Gregory Slaughter at Japhet Aguilar.

Si Rodgers, na producto ng North Illinois, ay ipinanganak noong June 19, 1980. Bago naging import sa CBL, si Rodgers ay naglaro sa Dutch Basketball League kung saan siya ay itinanghal na Most Valuable Player nang tatlong beses mula 2005 hanggang 2007.

Tatlong beses na napabilang si Rodgers sa All-DBL Team. dalawang beses siyang naglaro sa DBL All-Star at minsang naparangalan bilang Statistical Player of the year.

Inaasahang hindi mahihirapan si Rodgers na pumasok sa height limit na 6-9 na itinakda ng PBA para sa mga koponang pumasok sa quarterfinals ng Philippine Cup. Ang dalawang teams na maagang nalaglag ay makakakuha ng imports na may sukat na 6-11. Ang Gin Kings ay naging top team sa elimination round ng Philippine Cup. Nabigo silang  makarating sa finals matapos na matalo sa San Mig Coffee, 4-3 sa semifinal round.

Ang PBA Commissioner’s Cup ay nakatakdang magsimula sa Marso 5.

Ni SABRINA PASCUA

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *