MALAKASAN na pala ang jueteng operations ng isang alyas JOY at isang alyas JOJO sa area ng Parañaque.
Magkatulong ang TANDEM nina alyas Joy, bilang teng-we management, at alyas Jojo, ang dating immigration employee na ngayon ay isa nang financier ng TENG-WE.
Aba, bakit noong panahon ni Mayor Jun Bernabe ay walang jueteng sa Parañaque?
Gaano ba kalaki ang ‘parating’ ni jueteng tandem JOJO/JOY sa Parañaque PNP Chief of Police?
Bakit ngayon sa administrasyon ni MAYOR EDWIN OLIVAREZ ay namamayagpag ang jueteng?!
SONABAGAN!!!
Naitimbre na ba sa ‘yo ni TATA ROLLY ang JUETENG sa siyudad mo, Mayor Edwin?
ESCORT GIRLS NA-ESTAFA ‘GAHASA’ BA NI VHONG NAVARRO?!
ISANG very reliable source (BUGALOO) ang nagbulong sa atin na ang bagong nag-asunto ng rape laban kay actor/TV host VHONG NAVARRO ‘e kilalang escort girl.
Paunawa lang po, may karapatan rin po ang babaeng nag-asunto kay VHONG na itanggi ‘yan.
Gaya ng unang kumalat na balita na ang unang babaeng nagreklamo at nasasangkot sa kasong pambubugbog ay sinabi rin na nasa escort service industry.
Itinanggi na po ito no’ng babae. Karapatan po nila ‘yan at kahit na sino man hangga’t hindi napatutunayan ang mga akusasyon ay pwede nilang itanggi ‘yan.
Isa raw po sa dalawang babaeng ‘yan ay halos dalawang taon nang tumigil sa pag-i-escort dahil naigarahe na nga daw.
Anyway, iniakyat na ng dalawang babae ang asuntong rape laban kay VHONG sa hurisdikdiyon ng mga eksperto sa katarungan kaya hindi na natin ito tatalakayin.
Pero hindi maiaalis na pag-usapan na naman ng madla ang isyung ‘yan.
Ang katotohanan ng kanilang mga akusasyon laban sa actor ay diringgin sa korte upang patunayan kung may panggagahasang naganap o kapwa may pananagutan ang magkabilang panig sa sexual act na namagitan sa kanila.
Sakali mang totoo na escort girl ang dalawang nagrereklamo ng RAPE, gusto nating itanong, bakit parang galit na galit sila kay VHONG?!
Sabi nga ng isang urot, “baka namn may ugaling mang-estafa-gahasa si VHONG ng escort girls?!”
Oo nga no?!
May kostumbre nga ba si VHONG na mang-isa kaya siya ay napag-iinitan ngayon ng mga babaeng hinihinalang nasa escort service?!
By the way, ang abogado pala ng ikalawang nagdemanda kay VHONG na si Atty. Virgilio Batalla ay isang retarded ‘este’ retired police major bilang HEPE ng Counter Intelligence Unit ng PNP-Southern Police District (SPD).
Hindi lang siya isang abogado kundi isang CPA/LAWYER at isang talunang politiko sa Distrcit 1 ng Makati City. Dito siya nangarap na maging KINATAWAN sa KONGRESO pero naOLAT sa nakaraang eleksiyon.
Siya rin ang Chairman ng Lingap Pinoy Foundation Inc., isang people’s organization na mayroong free legal and burial assistance na nakabase sa Makati.
Bago nga pala mangarap maging congressman si Atty. Batalla ay nangarap din siyang maging barangay chairman pero mukhang nabigo rin siya.
Tsk tsk tsk …
Mukhang hindi nakatulong sa political career niya ang pagiging malapit kay Pastor Boy Saycon…
Sa kontrobersiyal na kasong ito na hahawakan niya laban kay VHONG, mapuna na kaya ng kanilang constituents si Atty. Batalla?!
Abangan ang susunod na kabanata.
TESDA DIRECTOR JOEL ‘BULSA-NUEVA’ este VILLANUEVA NADAWIT DIN SA P10-B PORK BARREL SCAM
(Jesus is Lord!)
NAGULAT tayo nang idamay ni TRC deputy director general Dennis Cunanan sa kanyang testimonya si TESDA Director Joel ‘Bulsa-nueva’ este Villanueva.
Ang dating CONGRESSMAN na paboritong dalaw ni Pangulong Noynoy sa Malakanyang.
Isa si TESDA Director Joel Bulsa-nueva ‘este mali na naman’ Villanueva sa mga batang mambabatas na plinanong isama sa Senate Slate ng Liberal Party pero last minute ‘e na-scratch siya nang hindi tumaas ang rating sa series of surveys.
E ngayong ibinunyag ni Cunanan na halos P5 milyon mula sa kanyang pork barrel ay ibinigay ni Villanueva sa mga pekeng non-government organizations (NGO) ni pork barrel scam queen Janet Napoles Lim noong siya ay kinawatan ‘este’ kinatawan pa ng CIBAC party-list ‘e hindi na tayo nagtataka kung bakit hindi siya tumataas sa survey.
Hay ‘Bulsa-nueva,’ Jesus is Lord talaga o!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com