Monday , December 23 2024

He did not steal! He did not lie!

There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love. —1 John 4:18

NAKAUTUTANG dila natin kamakailan si Mayor Alfredo Lim at napagkuwentuhan namin ang mga iginugol niyang panahon nang paglilingkod sa taumbayan, simula nang pumasok sa police service hanggang sa mundo ng politika.

Ngayon ko lamang napagtanto na halos buong buhay pala niya ay inilaan sa pagsisilbi sa bayan, mula noong 1951 bilang pulis hanggang nitong 2013, bilang Alkalde ng Maynila.

Ibig sabihin, 62 taon na pala nagsisilbi sa bayan si Mayor Lim! I, Bilib!

***

ABA, mga kabarangay, hindi pala biro-biro ang ibinigay na oras ni Mayor Lim sa public service (na hanggang ngayon ay patuloy na nilalapitan at minamahal ng taumbayan)

Noong Disyembre 1951 pa pala nakapasok sa police service si Mayor Lim  matapos pumasa sa examination ng Civil Service.  Ang Batch 22 na kinapapalooban ni  Mayor Lim ang kauna-unahang recruitment of police personnel sa ilalim ng civil service eligibility. Noon kasi inia-appoint lamang ng Alkalde ang sinoman gusto magpulis sa Maynila.

ORIGINAL MANILA’S FINEST

SI Mayor Lim ay nagsilbi bilang patrolman at itinalaga sa tanggapan ni Mayor Manuel dela Fuente. Nang matalo siMayor dela Fuente kay Mayor Arsenio Lacson, hiniling niya na sumailalim muli sa isang pagsusulit ang lahat ng pulis.

Aba, nag-topnocth pa si Mayor Lim sa examination sa Manila Police Training School na katabi lamang ng gusali ng Manila Police Department (MPD).

***

BILANG isang sekreta naman, na-assign siya sa Detective Bureau sa ilalim ng pamumuno noon ni Lt. Col. Enrique “Iking” Morales at na-appoint din bilang chief of police ng Manila.

Kinilala ni Lt. Col. Morales ang kagalingan ni Mayor Lim bilang sekreta. Dito ay naging isang matinik na police detective, nahasa rin sa investigation, intelligence work at pagdakip sa mga kriminal.

Isa si Mayor Lim sa mga orginal Manila’s Finest!

***

ISA sa hindi makalilimutan ng madla ang ginawa niyang pag-aresto kay Robert Barbers dahil sa pag-iingat ng ilegal na armas.

Kahit  pa nakiusap noon si dating Vice Mayor James Barbers na i-release na ang kanyang pamangkin at huwag nang asuntuhin, hindi ito pinagbigyan ni Mayor Lim na noo’y isang patrolman pa lamang at itinuloy ang pagsasampa ng kaso.

***

MGA kabarangay,  ito talaga ang kinabibiliban natin kay Mayor Lim, ang kanyang no non-sense against criminality, basta gumawa ka ng masama at labag sa batas———wala siyang sinasanto!

Hila mo, buntot mo!

PATROLMAN TO GENERAL

DITO rin natin napagtanto na tanging si Mayor Lim lamang ang nakatuntong at nagretiro bilang Major General na rose from the ranks o sa mababang ranggo nagsimula sa police service hanggang maging Heneral.

Mula sa pagiging patrolman noong 1952, matapos ang isang taon 1953 ay naging full detective, 1953 at naging detective corporal noong 1958, Police Sergeant noong 1962, kinilala bilang outstanding policeman noong 1967. Na-promote naman bilang Police Lieutenant, hanggang naging Police Captain, at naitalaga bilang Precint  5 Commander noong 1968 sa Sta. Ana.

***

HANGGANG maging ganap na Police Major, itinataas ang kanyang ranggo  bilang Police Lieutenant Colonel at naging full Colonel noong 1971.

Kabilang si Mayor Lim sa nagbigay ng ningning sa pulisya ng Maynila na tinawag na Manila’s Finest. Noong 1984, hinirang ni dating PC-INP chief Fidel Ramos bilang Superintendent ng Northern Police District sa ranggong Brigadier General.  Noong May 2, 1986 inilagay ni dating Pangulong Cory Aquino si Mayor Lim bilang Director ng Western Police District na tinatawag na ngayon bilang Manila Police Department (MPD)

Nagretiro si Mayor Lim sa pulisya na may ranggong Major General!

***

WALANG kaduda-duda, isang malaking inspirasyon si Mayor Lim sa mga kabataan lalo na sa mga nag-aaral at nagnanais maging isang pulis.

Hindi porke’t patrolman ka lamang o dalawang guhit lamang ang nasa iyong balikat ay ibig sabihin ay wala ka nang pag-asa maging isang heneral.

That’s not true!

***

PAYO nga ni Mayor Lim, basta ikaw ay nagsikap, nag-t’yaga, hindi nandaya, makakamtam mo ang lahat ng iyong pinapangarap sa buhay.

Learn from Mayor Lim’s experiences in life, he did not steal, he did not lie! He worked hard for his success,  that is why he earned the respect of all the people’s in all walks of life.

Mayor Lim legacy, still remains!

THEY ARE LIE,

THEY STEAL BILLIONS!

KUNG ikokompara natin sa panahon ngayon, wala na tayong makikitang mga matinong public officials.

Mga sinungaling at magnanakaw ang karamihan sa mga opisyales ng ating gobyerno, bilyones pa kung manguha sa kaban ng bayan, terrible! Gaya ng ating nasabi sa nakaraang kolum.

May Mayor Lim pa ba sa panahon ngayon?!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *